November 8, 2010

yun ay nung 'kami' pa

3:27AM
maya maya pa ay meron ulet akong JOB INTERVIEW at sana matanggap na ako. siryoso na. pero mamaya ko na haharapin yan, hnd tungkol sa job interview ko ang post na toh. *higop muna ng masarap at mainit na kape* aaah sarap.

anyway. sa sobrang kaboringan at walang wala na tlaga akong magawa sa buhay ko ngayon ay hindi ko maiiwasang mapatunganga at magtanto sa mga bagay bagay. minsan nag eemote nlng ako at inaalala ko ang mga maliligayang araw ko nung ako ay may girlfriend pa. hindi naman sa ako ay nagiging bitter, matagal ko na din kasing gustong mag post dito sa 'blog' kong ito nang mga bagay na may kinalaman sa amin, yun ay nung 'kami' pa.

sya ang una at nagiisa kong naging girlfriend. masarap isipin na yung taong pnkamamahal mo ay mahal ka din. masarap ung feeling na dahil sa 'iloveyou' nya buo na ang araw mo. masarap ung feeling na ikaw lagi ang una nyang kakausapin o tatawagan pag meron syang problema. masarap ung feeling na kabisado mo na ung galaw nya, alam mo kung kailan sya galit, alam mo kung naiirita sya, alam mong siryoso sya, alam mong nakikipagbiruan sya, alam mong naiiyak na sya at alam mo na ikaw lng dn ang mkakapagayos sa lagay nya na yun. masarap ung feeling na ikaw lng ang mkakapagtahan sknya pag umiyak na sya. masarap ung feeling na sayo ung unang text na mababasa nya at magkatext na kayo buong magdamag. masarap ung feeling na ikaw ung huling kausap nya sa phone at sayo dn ung huling boses na maririnig nya bago sya matulog. masarap ung feeling na meron kang inaalagaan, binababy, pinapaalala mo sknya lagi na kumain, magingat at magtxt kung may problema. masarap ung feeling na alam mong magkakaroon ng world war 3 kpag nambabae ka o nglaro ka ng dota. masarap ung feeling na kht na wala ng naniniwala sayo eh meron parin isang tao na nakikinig at nagtitiwala sa lhat ng sbhn mo. masarap ung feeling na umaasa sya sayo at hinding hindi mo sya bibiguin. masarap ung feeling na kaht galit na galit ka na sa mundo ay bigla ka nlng mapapangiti dahil may nanlalambing, nangungulet at nagpapacute sayo. masarap ung feeling na lahat ng gusto mo na ayaw nya ay kayang bilihin ng lambing at ka cute-an nya. masarap ung feeling na pakiramdam nyo na kayo lagi ang pnkamasayang tao pag mgksma kayo. masarap ung feeling kapag ksma mo sya ay pnagtitripan nyo ang isa't isa at kulang nlng ay mabaliw kayo kakatawa. masarap ung feeling kpag ksma mo syang naglilibot ng merville park habang nagkekwentuhan ng kung ano ano at habang magkahawak kamay. masarap ung feeling na itatakas mo sya sa dance night ng maksci at dadalhin mo sya sa UST para manood ng concert at mag stargazing. masarap ung feeling na itatakas mo sya sa klase nla at dadalhin mo sa UST pra samahan ka magclearance at ililibot mo nlng sya sa mga lugar sa bandang UST. masarap ung feeling na ayaw nyo ng bumitaw sa yakap nyo pag kelangan na umalis ng isa. masarap ung feeling na mgksama kayong nanonood ng favorite nyang palabas habang nakasandal sya sayo. masarap ung feeling na napapasaya mo sya pag pnapakain mo ng fries, mojos, potato chips o kung ano mang pagkain na gawa sa patatas. masarap ung feeling pagktpos nyong ayusin ung bagay na pnagawayan nyo eh prang pakiramdam mo na mas mahal nyo na ang isa't isa. masarap ung feeling na alam nyong magiging miserable ung buhay nyo kapag nagkahiwalay kayo at gagawin mo lhat para makipagbalikan at makipag ayos sknya.

at ang pnkamasarap sa lahat, ay nung narealize ko na 'sya na nga'. yun ay nung 'kami' pa. :)





gg kids.

November 4, 2010

job interview fail.

now playing: firework - katy perry
eto tlga ung bagay na bagay na kanta sa post ko na toh eh. hahaha!

november 4, 2010.

nagising ako nasa bandang 11am. ngayon ay ang aking JOB INTERVIEW kaya mejo excited na may halong kaba ang aking nararamdaman.

nakaayos na lahat ng kailangan ko. naihanda ko na ang aking resume na puro kasinungalingan, HBW ballpen na napulot lng kung san, valid ID daw pero dhil wala ako nun, yung school ID ko nalng na hindi na makita ung picture ko at hindi na mabasa ung nakasulat. dinala ko na din ung aking registration form panigurado. ayan! game! palag palag na!

pra sa mga hindi nakakaalam, first time kong mag-apply ng trabaho. at triny kong subukan ang aking beginner's luck sa IBM company agad.

maaga palang ay pumunta na ako sa recruitment site ng IBM sa may Pavillion, Shaw Blvd sa may EDSA. maraming tao sa labas ng site at pati sa lobby ay puno rin. pumasok ako sa loob at nag tanong tanong sa mga guard kung san pwede mag-apply. tinuro nya sakin ung isang ate na pinipilahan ng mga applicants dn siguro. pa-english english na agad sila e wala pa ngang interview, mga pasikat. at syempre hindi ako nagpatalo, sabi ko pa gamit ang aking gwapong gwapong boses "excuse me miss, where can I apply for a job here?". so sinagot nya ako ng english din na sya daw ngeentertain ng mga applicants at ibigay ko nlng daw ung resume ko sknya. tatawagin nlng daw nla kami sa lobby for interview. sobrang dami ng tao sa lobby, umupo nlng ako kung saan saan at nagbasa nung mga nakasulat sa dingding kung pano ung procedure ng pagapply sa job. after 15minutes, nagtawag ng 6 na pangalan ung isang ale na syang magiinterview samin, at ksma ako dun sa anim na un. nagtataka pa nga ata ung iba dahil kakaupo ko pa lng eh natawag agad ako. hahaha mga loser. so ayon, group interview pla pero isa isa parin kaming tatanungin. pumasok kami sa isang office at dun kami ininterview. syempre mga intro nung nagiinterview samin eh "hello guys, how are you? are you nervous?". so ung mga ksma ko naman tawa dito, ngiti dun, "oh yeah" dito, "oh yes" doon. syempre d dn ako papatalo. naki-ngiti na dn ako, dito na ata ung pnkaplastik na ngiting ngwa ko sa tanan ng buhay ko. todo ngiti naman ako habang nakiki "oh yeah guys, i'm nervous too. ha ha ha".

kaya ayan, tapos na ang intro intro. interview na!

isa lng nmn pnapgwa nung nag interview samin, "say something about yourself and what do we expect from you in this company".

unang tinwag samin eh ung miss na kamuka ni toni gonzaga pag may sakit. ang naalala ko sknya eh ayos nmn ung accent nya, marunung mag english, ayon. pwede na. pero hnd sya nakuha. hahaha!

next nmn ung ksma nya na naging teacher daw sa korea na wrong grammar naman. ang hilig nya gumamit ng "IS". bsta puro IS lng narinig ko sknya na nauutal.

ung sumunod nmn eh ung ate na martyr, gnwa nyang slambook ung paginterview sknya, sinabi na nya lhat ng hobbies pati mga favorites nya. nagpapaawa pa si ate, lahat na daw ng call center triny nya pero hnd siya kinuha at sna dito na daw sya mkuha. unang banat pa nya na naalala ko eh "MY BACKGROUND HIGHSCHOOL OF EDUCATION IS.. BLA BLA BLA" hahaha. sorry ako na mayabang pero imba eh.

next eh si kuyang palipat lipat ng pnagtatrabahuan, matagal na daw syang ngcacall center at gs2 nya itry sa IBM ganun. syempre sanay na, ayos ung english nya kya aun nakpasa sya ng interview.

next eh si isa pang kuya na 6 years na nagcacall center. imba mag english, smooth na smooth. for sure mkukuha un.

and next eh AKO NA. knkbhan ako, pangiti ngiti parin para kunwari relax na relax.
so say something about yourself na daw at eto ung NAALALA kong mga pnagsasabi ko.

"good afternoon guys. my name is Paul Roland Dupo. you can call me Paul but i prefer to be called by my surname or simply Dupz. i'm a 3rd year undergrad from the university of santo tomas taking up Electrical Engineering and graduated highschool at Makati science highschool (kala ko kc pampadagdag pogi points kya dinagdag ko na dn, hnd pala. HAHAHAHA!). i have no work experiences but we own a computer shop and i am the one who manages it. this is also my first time to apply for a job."

mejo ayos pa ung sagot ko nung una, nakopya ko na lhat ng sinabi nung mga ksma ko. hahaha! may mga sinabi pa ata ako bsta nde ko na maalala.

so ayun, nag tanong ulet si ate ng "so according to your resume you're a GARENA FORUM MODERATOR?? what does a garena forum moderator do?" eto na, eto na ung mga pnagiimbento ko sa resume tang ina.

"garena.. ah..is an ONLINE APPLICATION(???) where the, the LAN meets online, the local area network, oh, the local games becomes ONLINE????" *punas ng muka gamit ung panyo ko*
"and as a garena forum moderator we.. we.. we fix bugs and hacks and we fix glitches to give online players, oh, other online players across the country the convenience they need." fail.

tang ina pag nakita nyo lng tlga ung muka nung nag iinterview sakin FAIL NA FAIL.

so ayon, sinagot nalng nya "OK".

nagtanong pa sya kung ano daw maaasahan sakin ng company. sagot ko nmn:

"i am a very industrious person, i am not the kind of person you see there out there sitting around doing nothing" OO SINABI KO TOH. tang ina this.

nag lagay na dn ako ng drama pampahaba lng tlga kasi wala na akong masabi, sinabi ko pa:

"and instead of doing nothing, i would like to work and somehow help my family solve our financial problems" sinabi ko pla na ako ang mkakasolve sa financial problems ng aming pamilya. tang ina sobrang fail. hahahahaha!

ayan. job interview ka pla. well ung result, okay nmn daw ung accent ko at grammar(tama daw grammar ko, san banda? hahaha!) kaso nag stutter daw ako at andami kong hand gestures kya daw ako nahihirapan iexpress ung sarili ko. better luck next time nlng daw. haha thank you teh.

so next week nlng ulet ako mgaaply, kelangan ko mg move on. atleast ngaun alam ko na. ha! gg na.


gg kids.

November 2, 2010

COLLEGE LIFE

This is all about your recent course in college.
ONLY COLLEGE STUDENTS ARE REQUIRED TO ANSWER THIS.

1. Your course?
» BS in Electrical Engineering (soon to be BS in Architecture)

2. Where do you study?
» University of Santo Tomas (soon to be Saint Louis University, Baguio City)

3. Ever forced to take that course?
» hindi. wala na kasing slot sa ECE kya napadpad ako sa EE.

4. Who supports your schooling?
» parents.

5. Year level?
» 3rd Year.

6. Enjoying your college life?
» Syempre naman kahit sobrang hirap ng buhay EE. >_<

7. How about your new friends?
» Astig. Masaya kasama. :)

8. First college friends?
» sila Noel Ligero, Dio Agoncillo at ung mga DotA boys nung 1-13 plang ako.

9. First college boyfriend/girlfriend?
» wala eh.

10. Top 2 course choices?
» ECE and ComSci

11. Have you ever felt out of place in school?
» minsan pag wala masyadong kilala at walang kasama. -emo faggot-

12. Irregular or regular?
» Irregular. hahahaha!

13. Is there someone you’re crushing on at the university?
» syempre naman imposibleng wala.

14. Favorite subject?
» Drawing, Geometry, English, lahat ng naging PE ko at ung mga minor subjects na hindi kailangan ng talino para pumasa. hahaha!

15. During what class do you usually sleep?
» Engineering Economy. hahaha!

16. Subject you hate the most?
» INTEGRAL CALCULUS!!!!!

17. Is your school popular?
» yes.

18. Ever thought of taking up nursing?
» dati kc 'uso' at sikat na sikat. pero narealize ko takot pla ako sa dugo. so gay amp! hahaha.

19. Thinking of shifting to another course?
» magshishift na tlga ako.

20. What course?
» Architecture.

21. Do you miss your highschool life?
» oo naman sobra.

22. Any plans after grad?
» magtatrabaho para kumita ng madaming pera. hahahaha!

23. Where’d you work?
» hnd ko alam e? kht san basta palag palag.

24. Do you have plans of going abroad?
» okay lng, dpende dn un sa asawa ko kung gusto nya ako mapalayo sakanya. hahahaha!

25. 10 years from now, you’ll be…?
» nag dedesign na ng mga buildings. :)

26. Do you love college life?
» Syempre. Andaming pwedeng gawin.

27. Your dream grad gift?
» makapasa sa board exam at maging licensed na architect.

28. Do you have a gf/bf?
» wala. pero gusto ko na ulet. :/

29. Recent school problem?
» mga bagsak ko. :(

30. Prof you hate the most?
» ma'am javier. lahat na gnwa ko pra maayos ung 'incomplete' ko pero hnd parin gngwan ng paraan. tapos next ko nalng nalaman wala na pla sya sa UST. muntik na tlga ako pinaiyak nitong prof na toh. tang ina this!

31. Fave prof?
» Ma'am Mabini and Sir Go.

32. Prof you’re crushing on?
» Ma'am Mabini. hahahaha!

33. Classmate you’re crushing on?
» hahahahaha. si choki nga. paulet ulet? paulet ulet?

34. Closest college friends?
» bryan, noel, marbbie, louie, ryan, john, gilo, pius, rovel, vince, pete, patrick at ang ka isa isang babae na si duay. hahahaha!

35. What time do you usually sleep?
» 12mn pag normal na araw. pero 2-3am pag may test. (7am araw araw pasok namin. lol.)




mamimiss ko tlga tong UST na toh. :)

gg kids.