July 20, 2010

college.

sa apat na taon kong nag-aaral ng ENGINEERING sa unibersidad ng santo tomas ay NGAYON ko lang napagtanto na ganito pala kahirap ang kursong aking kinuha. hindi porket matalino ka ay malalagpasan mo na ang kursong ito. maituturing kong madaming 'requirements' ang pagiinhinyero. pinakauna sa lahat, kailangan magaling ka sa MATH. dapat kabisado mo lahat ng formulas na natutunan mo simula noong 1st year highschool ka pa lamang. alam mo din dapat kung paano mo magagamit ang mga formulang ito para madiskartehan mo ang pagsasagot sa tone-toneladang problems na ibibigay sayo ng mga professor mong balahura sa grade. at para sa mga hindi pa nakakaalam, ang pagiinhinyero ay kukunin mo sa loob ng limang taon! (yun naman ay kung isa kang regular student). nasasabi ko ang lahat ng 'toh dahil talaga namang nararamdaman ko na ang hirap maging engineer. pero bakit ko nga ba pinili ang pag-iinhinyero? bakit hindi na lang HRM pra kht d ako pumasok e papasa ako?

para sa inyong kaalaman ay hindi ko ginusto ang maging inhinyero. nung 4th year HS pa lamang ako ay hindi pa ako nkaka-pagdesisyon kung anong kurso ang kukunin ko sa kolehiyo. hindi pa ako mulat noon sa mga ganitong bagay sapagkat wala akong ibang ginawa kundi maglaro ng maglaro. oo! mas inuuna ko ang paglalaro nung 4th year ako kaya hindi ko napagisipan ng mabuti kung anong kurso ang dapat na kinuha ko. knukulit na ako ng magulang ko sa kung anong ba ang gusto kung kuning kurso sa kolehiyo. sinasabi ko na lang sa kanila na "oo alam ko na kukunin ko, ako na bhla jan" para hindi na paulet ulet yung mga tanong nila. hanggang sa makagraduate nako ng 4th year HS ay wala parin akong napagdedesisyunan! dumating ang oras kung saan kelangan ko na mag pasa ng aking mga registration form. wala na akong nagawa, sinundan ko na lang ang payo ng aking ama, ang sabi pa nya sakin tandang tanda ko pa ay "marunung ka naman sa math, mag engineer ka na lng!". wala nang isip-isip, sulat agad. welcome to engineering dupz.

at ngayon eto na ang buhay engineering. mahirap. minsan napapaisip ako kung ano ba dapat talaga ang kinuha kung kurso? may isang pagkakataon na nasabi ko sa sarili ko na "dapat pala nag aeronautics nalang ako". (ang aeronautics ay ang pag-aaral sa kung ano mang may kinalaman sa paglipad, pageeroplano. basta kung ano man yan na may knalaman sa himpapawid). nasabi ko toh sapagkat naisip ko na ang trabaho bilang isang piloto ay masaya. wala kang ibang gagawin kundi mag drive ng eroplano, malilibot mo ang buong mundo, lahat ng 5-star hotel na pupuntahan mo libre ka, at higit sa lahat, yayaman ka! pero meron ding 'downfall' ang kursong ito. unang una, MAHAL ang pag-aaral sa mga ganitong kurso at pangalawa, malalayo ko sa pamilya mo.

isa pa sa mga na-imagine kong kurso na dapat kong kinuha ay ang pagiging seaman. malaki ang kikitain mo sa pagseaseaman, pero hindi ka naman magiging masaya sa trabaho mong ganito. malayo ka na sa pamilya mo, bawat paglalayag nyo pa ng barko ay puno ng alanganin(pirata, engine failure, iceburg?). hindi ko din gusto ang training ng mga seaman. sa barko kayo magaaral, walang social life. at makakauwi ka lang sa pamilya mo pag wala kang binagsak na subject. lupit noh?

naisip ko din kumuha ng narsing. dahil sa narsing nga naman ay yayaman ka ng todo. in demand pa. pero minalas lang talaga, takot kasi ako sa dugo. haha!

at ang pnkahuli, ang architecture! eto ang kursong DAPAT talaga pinili ko. ito ang kursong nababagay sakin. alam naman nating lahat na pag-guhit ang puhunan ng mga architect. kelangan din ng kaunting math sa kursong ito, na saktong sakto lang naman para sa kapasidad ng utak ko. nung unang taon ko sa engineering ay meron kaming drawing subject. eto lang ang pnka naenjoy kong subject sa tanan ng buhay ko sa USTe. hindi mo kasi kailangang maging matalino para maipasa mo ang mga drawing subjects mo, sipag at tiyaga lang. sumunod kalng sa mga ituturo sayo.

at ayun! sana naman sa nabasa mo ay hindi ka magkakamali/nagkamali ng kursong kukunin mo sa college. PAG-ISIPAN na lang ng mabuti. hindi madali mag shift. nasa huli ang pag-sisisi.

gg kids.