February 20, 2011
the epic Yellowcard experience.
feb. 20, 2011 - concert ng Yellowcard sa Pilipinas. Eksaktong isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang ay nasa harapan ko pa ang yellowcard at sinasabayan ko sila sa pagkanta habang tumatalon ng 'rock and roll' style. yeah! hanggang ngayon ay may yellowcard hangover parin ako dahil isa talga ang araw na toh na hindi ko makakalimutan. :)
para sa mga hindi pa nakakaalam, ako ay isang avid na yellowcard fan. sa lahat ng madaming bandang gusto ko, yellowcard tlaga ang nangunguna sa listahan ko. nagsimula ang lahat nung 2nd year highschool pa lamang ako nang unang mapanood ko ang music video nila na 'Only One' sa myx. simula nun nagustuhan ko na ang banda at pati narin ang karamihan sa mga kanta nila. ambading pakinggan pero ganun tlga. 6 years nakong yellowcard fan.
at nung isang linggo lng ay dumating na ang pnakahihintay ko sa lahat, ang concert ng yellowcard sa pilipinas! october palang ay alam ko nang may concert cla dito kaya maaga palang ay pnaghandaan ko na at nag aya nako ng kasama. pero walang gustong sumama. mahal daw ang ticket! 3.5k ang VIP at 1.8k ang gen. ad. pero kung tutuusin mura na yan kumpara sa mga ticket ng MCR, FoB at Paramore na umaabot ng 5k-15k! sa dulo ka pa nkapwesto nun. lol! so wala akong nayaya at naghanap nalang ako ng mga 'loners' sa fan page ng concert ng yellowcard sa manila sa facebook. madami dami din kaming mga 'loners' kaya pnagplanuhan nalng namin na magsama sama kami sa concert para mas masaya. heto kami. haha.
fast forward nalng natin sa concert mismo..
ayan, nasa entrance na kami ng a.venue hall. first time ko manood ng concert dito at nasurpresa ako sa loob ng a.venue hall. maliit lang sya pero maluwag? ah basta kitang kita mo ang mga nagpeperform sa stage khit san ka pumwesto, mabibingi ka pa dahil solid sa lakas yung maririnig mong sound sa loob. maswerte kami dhl nsa unahan kami ng pila at nakakuha kami ng magandang pwesto sa harapan ng gen. ad section. 7:30pm nagumpisa tumugtog ang mga front act band na Hilera at Silent Sanctuary. 8:30pm na natapos ang last performance nila. at ayan na, 30 minutes nagayos ng mga kung ano ano yung mga 'boy' ng yellowcard, eksaktong 9:00pm ay biglang pinatay lahat ang ilaw. ilang sandali pa ay nagsisigawan at naghihiyawan na ang mga tao sa loob ng a.venue hall ng 'YELLOWCARD'! syempre nakisali na din ako! lumalakas pa ang hiyaw ng mga tao at mas lalong tumataas ang energy sa loob ng hall. madilim ang stage at makikita mo lng kung ano meron sa stage pag may mga disco lights na tumama doon. habang naghihiyawan ang mga tao ay mas lalong nabaliw ang mga manonood ng may napansin silang umakyat sa stage at alam na nilang si ryan key un! mya mya pa ay dumating na ang ibang myembro ng yellowcard, onti onti na ding nagkakaroon ng liwanag sa stage. unang strum palng ng gitara ay mas lalong nabaliw ang mga baliw nang manonood! at hanggang sa sabay sabay ng tumutugtog ang yellowcard sa harap ng libo libong yellowcard fans ng pilipinas! estimate ko nsa 1.5k-2k lng ung tao dito. aw.
eto ang full setlist ng concert nila.
SET A:
The Takedown
Fighting
Shrink The World
Way Away
Breathing
Life of a Salesman
BREAK:
LP's Drum Solo
SET B:
Rough Landing Holly
Five Becomes Four
Only One
For You And Your Denial
the 'i love you spider' chant. haha.
Gifts and Curses
Believe
kunwari magpapaalam na sila,
sabi pa ni ryan key "we have 4 minutes left so let's blow the roof out of this fuckin' place. this is our final song for the night but definitely not our last song here in the Philippines. We promise we will come back".
crowd: awwwwwww. :(
Lights and Sounds
ENCORE:
Empty Apartment (Acoustic)
Light Up The Sky
Ocean Avenue
gg
so ayon, 16 songs compared to 12 of paramore. sulit na sulit. gnda pa pwesto. haha.
pinaka-nagustuhan ko tlgang performance nila ung Rough Landing Holly, di ko inakalang ganun pala kaganda un pag live. pati yung lights and sounds. nung kinanta din nila ung Believe paulet ulet lng ung mga tao kumakanta ng 'everything is gonna be alright, be strong believe'. shet ang angas ng mga tao pag narinig nyo. lol.
pero sa totoo lng, sumabay ako sa pagkanta sa lahat ng tinugtog nila. tumatalon din ng 'rock and roll' style ang mga tao kaya nakikitalon din ako. masarap at masaya tlga ang manood ng concert pag alam mo lahat ng kanta, nakikikanta ka at nakikipagslaman ka. :)
okay na din sakin ung napanood ko sila ng live kht wala akong remembrance na shirt, cd o pick o kung ano mang autographed na bagay. hehe.
ntpos ung gabi ksma ung aking new set of friends. kumain kami sa burger ave and nagkwentuhan kami ng mahigit 2hours. next time ulet. :)
so aun, best night of my 2011 so far. i guess? for sure manonood ulet ako pag may yellowcard part 2. :)
gg kids.